BATANGAS - BINAWIAN na ng buhay sa pagamutan si Tanaun City Mayor Antonio Halili matapos na binaril habang nasa flag ceremony sa harap ng city hall pasado alas-7:30 ngayong umaga. Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay dating Board Member Rudy Barba, kinumpirma nitong binawian ng buhay ang alkalde bandang alas-8:45 ng umaga sa CP Reyes Hospital. Una rito ay kritikal na isinugod sa ospital ang alkalde matapos na binaril. Sa impormasyon na pinadala ni Region 4A regional director PCSupt. Edward Carranza, sa dibdib tinamaan ang alkalde at umanoy sniper ang bumaril dito gamit ang M14. Ang pagputok ng baril at pagtakbuhan ng mga empleyado sa city hall ay nakita sa Facebook live ngunit hindi ang mismong pagtama sa alkalde. Si Mayor Halili ay nakilala dahil sa kanyang mga aksyon laban sa iligal na droga sa Tanauan at nakilala ito sa bansag na “Walk of shame“ mayor. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang pamamaril. Credit: Gerry Yson Laresma
Hide player controls
Hide resume playing